About Me

My photo
Hi I'm Kevin. Saved by grace. :)

Wednesday, September 1, 2010

FACEBOOK!


Ano nga ba ang meron sa facebook at bakit lahat ng tao ata ay may facebook account? Kaya mo bang mabuhay na wala ito? Kahit na alam mong ito lang ang bubuhay sayo kapag walang wala ka na talagang magawa. Kailangan ba ito sa ating pamumuhay? Ano ba ang mga advantages at disadvantages dito?

Facebook! Isa sa mga pinaka-sikat na social networks sa buong mundo, lalong lalo na dito sa Pilipinas. Para bang hindi ka sikat o hindi ka “cool” kung wala ka nito. Ang iba pa nga ay hindi na mapakali hangga’t hindi nabubuksan ang kaniyang facebook account. Dito, madami kang pwedeng gawin, pwede ka mag update ng status, pwedeng mag comment, pwedeng mag like, pwedeng hindi mag like, pwedeng mag upload at magpost ng pictures o ng videos, pwedeng maglagay ng link, pwedeng mag chat, pwedeng maglaro ng games na may sandamakmak na advertisements, pwede maging stalker, pwedeng basahin ng basahin ang wall ng crush mo at titigan mo maghapon ang picture niya na wala siyang kaalam-alam at marami pang iba. Siguro kaya ganito sikat at uso ang facebook ngayon dahil ganito. Madaming pwedeng gawin. Saktong sakto sa mga bored na bored diyan.

Kung ang facebook ay para sa mga taong walang magawa at isa ka sa mga yun na gumagamit ng FB for so many hours a day, eh bakit tayo busy? Bakit ubos ang oras natin? Hindi makagawa ng assignment o project kasi, “Sorry, I’m busy”. Hindi makapunta sa simbahan kasi “Sorry, I’m busy”. Madaming bagay ang hindi nagagawa kasi “I’m busy eh”. Tapos makikita kang online sa facebook! Nakakahiya naman tayo.

Bilang isang Kristiyano, isang malakas na patama sa akin ito. Lalong lalo na kapag nawawalan ako ng oras para magbasa ng Bible at magdasal. Nakakahiya sa harap ng Diyos na nagpakalunod ka sa mga comments at tags sa facebook samantalang hindi ka makapagbasa ng kaniyang mga salita at hindi mo siya kinakausap.

Isang napakagandang mensahe ang narinig ko na sinabi ng isang sikat na Pastor sa Amerika na si John Piper. “Facebook and Twitter are evidence that prayerlessness is not due to lack of time.” Namulat ang aking mata nung narinig ko yan. Oo nga no! Isang malaking pagsisisi at kahihiyan. Ang hirap at nakakahiyang isipin na inuuna pa natin ang Facebook imbis na unahin ang mga bagay na makatutulong sa atin na mas lalong maging matinong tao. Inuuna pa natin ang facebook imbis na mag-aral para makakuha ng mataas na grado. Inuuna natin ang facebook imbis na magbasa ng Bibliya na makakatulong sa atin na mas lalong lumago at maintindihan ang mga bagay-bagay. Inuuna pa natin ang facebook imbis na magdasal at kausapin ang Diyos na siyang nagligtas at gumawa sa atin.

Kung titingnan natin ay maliit na issue lang ang facebook, ngunit sa maliit na bagay nagsisimula ang lahat na malalaki. Kailangan natin iwasan at alamin kung nakakatulong nga ba talaga ang facebook sa atin. Hindi ko sinasabi na masamang mag facebook. Sinasabi ko lang na matuto tayong mag control sa mga ganitong bagay, hindi yung tayo ang kontrolado nito.

Madaming advantages din naman ang facebook, pwede mong makausap ang mga kamag-anak mo sa ibang bansa, pwede mo makilala ang mga long lost friends mo. Masaya ang facebook at malaki din ang natutulong nito ngunit wag natin hayaang maging hadlang ito sa ating eskwela at relasyon sa Diyos. Alamin natin kung ano ang dapat nating priority.

Ang facebook, lilipas at malalaos din yan, madami pang bagong darating ang magpapataob dyan, samantalang ang ating pag-aaral, ito ang magdadala sa atin ng magandang kinabukasan at magbibigay ng magagandang oportunidad. At ang ating magandang relasyon sa Diyos, ang magbibigay sa atin ng walang hanggang kasiyahan at magbibigay ng malaking kabuluhan sa ating buhay.